Pagsusuri ng Florante at Laura ni : Katrina Genovate (8-Busay) Ang Florante at Laura ay isinulat ni Francisco Balagtas. Isinulat niya ito dahil sa kanyang matinding kalungkutan noong siya’y nasa kulungan. Makikita sa akdang ito ang iba’t ibang uri ng himagsik.Isa na sa mga ito ay ang Himagsik Laban sa Hidwaang Pananampalataya. Hindi nakuntento ang mga Kastila sa pagsakop sa Luzon at Visayas. Gusto nilang ipalaganap ang Kristiyanismo sa buong bansa. Layunin ng Kastilang kolonyalismo na gawing katoliko ang mga Pilipino. S a pamamagitan ng pagpapadala ng mga sundalo sa katimugang bahagi ng bansa sinubukan nilang angkinin ang pagkilala ng mga Muslim sa kanilang kapangyarihan. Nagresulta ito ng isang marahas at madugong digmaan. Ngunit nabigo ang mga Kastila dahil buong tapang at pusong lumaban ang mga Muslim. Kaya itunuro ng mga Kastila na malupit at makatao ang sinumang di Kristiyano. Sila raw ay walang kaluluwa't sumasamba lamang sa hayop, at walang batas ng karangalang-asal....
Florante at Laura - Himagsik Laban sa Hidwaang Pananampalataya