Skip to main content

Florante at Laura - Himagsik Laban sa Hidwaang Pananampalataya

Pagsusuri ng Florante at Laura ni : Katrina Genovate (8-Busay)



Ang Florante at Laura ay isinulat ni Francisco Balagtas. Isinulat niya ito dahil sa kanyang matinding kalungkutan noong siya’y nasa kulungan. Makikita sa akdang ito ang iba’t ibang uri ng himagsik.Isa na sa mga ito ay ang Himagsik Laban sa Hidwaang Pananampalataya. 

Hindi nakuntento ang mga Kastila sa pagsakop sa Luzon at Visayas. Gusto nilang ipalaganap ang Kristiyanismo sa buong bansa. Layunin ng Kastilang kolonyalismo na gawing katoliko ang mga Pilipino. Sa pamamagitan ng pagpapadala ng mga sundalo sa katimugang bahagi ng bansa sinubukan nilang angkinin ang pagkilala ng mga Muslim sa kanilang kapangyarihan. Nagresulta ito ng isang marahas at madugong digmaan. Ngunit nabigo ang mga Kastila dahil buong tapang at pusong lumaban ang mga Muslim. Kaya itunuro ng mga Kastila na malupit at makatao ang sinumang di Kristiyano. Sila raw ay walang kaluluwa't sumasamba lamang sa hayop, at walang batas ng karangalang-asal. Ang pamagat na "Moro" ay may kaakbay na diwa ng pagduhagi at himig kaalipustaan. Kasingkahulagan ng mga salitang taksil, sukab at palamara.

Gustong itama ni Balagtas ang maling paniniwala ng mga tao tungkol sa mga Muslim kaya ipanakita niya sa kanyang akda na magkaiba man tayo ng relihiyon ay iisa pa rin ang atas ng langit na ating sinusunod. Ipinakita sa Florante at Laura na tinulungan ni Aladin, isang Persiyano at Muslim, si Florante, isa namang taga Albanya at Kristiyano. Hindi naging hadlang kay Aladin ang pagkakaiba ng kanilang relihiyon. Ipinamalas niya lamang na magkaiba man ng estado at relihiyon ang mga tao nakaukit pa rin sa ating mga puso ang pagtulong sa kapwa.Naniniwala si Balagtas na magkaiba man tayo ng pananampalataya ay iisa lang ang atas ng langit na ating sinusunod at ito ay ang pagiging matulungin sa kapwa. 

Sa kasalukuyan, maihahalintulad ito sa gulong nangyari sa Marawi kamakailan lamang kung saan nagsakripisyo ang ating mga sundalo na mapalayo sa kanilang mga pamilya upang maging mapayapa at ligtas ang mga mamamayan doon. Hindi naging hadlang sa kanila na baka mamatay sila sa gitna ng gulo at hindi makabalik sa kanilang mga pamilya. Inuna nila ang kaligtasan at kapayapaan para sa ating bansa. Ipinamalas lamang nila na sa panahon ng gulo ay laging handang tumulong ang kapwa nating Pilipino kahit buhay man nila ang maging kapalit nito.


Mga Sanggunian:
Virgilio, A. S., Glory, R. T. (2003). Ang Apat na Himagsik ni Francisco Balagtas at Iba Pang Sanaysay. 96 Kalayaan St., Diliman, Quezon City. ISA-JECHO Publishing.
Mendoza, R. (2017,Hunyo 27). Kolonyalismo Sa Pilipinas: Ang Pananakop ng mga Kastila. Retrieved from http://ekonomiks.info/kolonyalismo-sa-pilipinas/
Tiradauno. (2008, Agosto 17). Republika ng Bangsamoro - mga Muslim sa Pananakop ng Espanyol. Retrieved from http://historyblog-umalohokan.blogspot.com/2008/08/republika-ng-bangsamoro-mga-muslim-sa.html

Comments

Post a Comment